Uniffors


Praise he can do without (UPDATED)

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the February 9th, 2011

Patricia Daza, spokeswoman of the late Angelo Reyes, should learn to be more careful.

In an interview with Noli De Castro on TV Patrol, she incriminated Reyes with her praise.

Excerpts from the interview:

    Noli de Castro (NDC): Magandang gabi, Pat. Nakikiramay kami sa pamilya Reyes.

    Patricia Daza (PD): Maganda gabi, Kabayan.

    NDC: Nagkita tayo together with Secretary Reyes noon dito sa ABS-CBN at medyo napapansin ko hindi ganoon ang kanyang itsura noong kami’y magkasama sa Gabinete. At iyon ay hindi pa lumalabas ang isyu ni Rabusa kundi iyon pa lang may mambabatas na isinasangkot siya sa kaso ni General Garcia. Lagi kayong magkasama, inaalalayan mo siya Pat, ano ba ang sinasabi niya sa ‘yo, siya ba ay may hinanakit talaga?

    PD: Ang sinasabi lang niya parati sa akin, kasi ang sinasabi ko parati kay sir, ‘sir, kamusta kayo? Okay lang ba kayo?’ ‘Okay lang tayo, okay lang tayo, Pat. Huwag kang mag-alala, okay lang tayo.’ ‘Ganyan talaga,’ sabi niya, ‘hindi tayo nakaupo ngayon. Weather-weather lang talaga iyan.’ He always made light of situation. That’s why it was very shocking when I heard the news.

    Kasi, Kabayan, nandoon ka nga, magkasama tayo sa dressing room mo noong in-interview siya ng TV Patrol. At si Secretary Reyes, to the end, ayaw niya talagang manlaglag.

    Hindi ba sinasabi mo nga sa kanya ‘Angie, magsalita ka na, magsalita ka na’ hindi ba Kabayan? ‘Mahirap, mahirap, Kabayan.’ Sabi niya, ‘Hindi ako ganoon, ayaw ko magsalita. Ayaw ko magsangkot ng ibang tao.’ Tapos sinasabi mo, ‘Angie, dinidikdik ka na.’ Sabi niya ‘Hindi bale na, ako na lang, ako na lang.’ So talagang until the end, he was really a man of honor, gentleman talaga at ayaw niya talaga mangdawit ng tao.

UPDATE:
Schumey of The Philippine Experience pointed out a bit of revisionism in the claim that hindi marunong manglaglag si Reyes.

    “hindi siya nang-lalaglag and yet back in ’01, at the height of the calls for a disgraced but popular president to step down, he withdrew his support for the constitutionally elected president. Di ba pan-lalaglag yon?”

Here’s some unsolicited advice for the relatives, friends, and supporters of Reyes:

Ask for a thorough investigation of the allegations against him. It’s the only way to clear his name.

10 Responses to 'Praise he can do without (UPDATED)'

Subscribe to comments with RSS

  1. Tambay said,

    on February 10th, 2011 at 7:09 am

    Tangna pati yang si Noli de Castro maraming alam sa kurakot. Pa-interview interview pa kunwari. Ba’t hindi siya mismo magbulgar ng mga alam niya? Si kabayan, hawak ni Gloria yagbols niyan, kung meron man.

    Yung mga spokesperson, siempre dahil trabaho nila yan, expect natin to do a good presentation. Walang personalan, ika nga. Trabaho lang.

    Tamo itong si Carandang, dati sa panahon ni Gloria, madaling pumuna na kung ano ano diyan, but now puro palusot. Trabaho lang diba?

  2. Tambay said,

    on February 10th, 2011 at 7:11 am

    btw. yang laglagan bs, hangover from Gloria yan.

  3. killer said,

    on February 10th, 2011 at 8:51 am

    Manuel–nagpapasalamat ako sa kung anong kapangyarihan na hindi lang pala ako ang nakapansin. If that wasn’t proof positive Reyes AT LEAST KNEW something was up, I don’t know what is.

    Magandang araw sa iyo.

  4. resty o. said,

    on February 10th, 2011 at 12:27 pm

    Korek!!!! hmph!

  5. resty o. said,

    on February 10th, 2011 at 12:32 pm

    ang sa akin the fact na inamin nya ng ilang beses na may laglagang maaaring maganap, ibig sabihin may kalaglaglaglag sa ginawa nya at ng iba sa paligid nya. tama?

  6. resty o. said,

    on February 10th, 2011 at 12:33 pm

    ibig sabihin nun umamin sa crime, except when she/he was referring to the expression laglag panty

  7. Schumey said,

    on February 10th, 2011 at 1:52 pm

    The mansion that can be seen from the 18th hole of the Army-Navy golf course, kanino kaya yun? Just goes to show you how corrupt El Generalismo was.

  8. mami_noodles said,

    on February 10th, 2011 at 4:34 pm

    Napanood ko yang interview na iyan, at iyan ang nagpapatunay na may dalang lihim si Angelo Reyes sa hukay…

  9. pranning said,

    on February 11th, 2011 at 8:32 am

    problem is “dead man tell no tales” but from the mouth of patricia daza, reyes knows something. and perhaps the family, particularly the wife knows something about the AFP irregularities.

    prans

  10. manuelbuencamino said,

    on February 11th, 2011 at 4:05 pm

    Kung ako si Mrs. Reyes, at salamat na lang hindi ako siya, eh hihilingin ko sa senado na tawagin ako magtestify at sasabihin ko lahat ng alam ko.