Life in PNoy’s Enchanted Kingdom


Ligaw na Bayan

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the October 17th, 2009

From SCHUMEY comes a report about the descent of Bayan into pure, unadulterated trapoism.

Schumey wrote:

I was surprised to see Satur Ocampo praising Manny Villar on The Probe Profiles last night. My jaw nearly fell off as he spoke. Is this the kind of supposed to be principled people seeking change. As the program went on, Villar was candid enough to admit that everything can be done through “magandang usapan”. He also said that every problem can be worked around. You don’t have to meet it head on but circumvent it. I suppose this is what he did with his various projects.

I am saddened to see Satur endorse a crook. I know Satur is not like that.

Unfortunately, in the communist party of the Philippines, orders from Utrecht take precedence over one’s own conscience.

Bayan approached Mar first, before he stepped aside for Noynoy. They offered their support in exchange for 3 senate slots and 3 cabinet posts. They were thrown out the door.

So they went to Villar offering the same 3+3 formula. Villar gave them one senate slot. So there. Better to have one than nothing at all.

“Comrade consultant, isa lang ang nakuha natin.”

“Hmmmp. Okay, pwede na yun kesa sa wala. Pilitin na lang natin yun cabinet slot pagnakapasok na tayo.”

“Kumusta poh kayo ni madame diyan sa Utrecht?”

“Ayus, tinanggal na ako sa terrorist list. Okay na ang bank accounts ko. Pwede ka nang mag remit ng revolutionary taxes.”

” Okay poh. Meron pa ba kayong utos?”

“Magpadala ka ng artista.”

“Si Ara Mina?”

“Ayoko, luma na yun. Gusto ko yun sariwa. Ginaganahan na ako mag karaoke ulit.”

“Kailan ko poh ipadadala yun artista, boss?”

“Isama mo kay Jamby pagpunta niya dito.”

“Sigue poh, tatanong ko kay Jamby kung pwede.”

“Anong itatanong? Sabihin mo yun ang gusto ko! Gagawin niya yun kasi akala niya talagang tutulungan ko siya maging presidente.”

“Ha? Paano yun eh tatakbo tayo sa partido ni Villar.”

“Hindi naman naiintindihan ni Jamby yun. Ang daling bolahin yan si Aling Buding! Bwahahaha…”

And then Noynoy declared his candidacy.

“Boss, nagdeklara si Noynoy!”

“Naknamputa!!! Eh kung maiwan tayo kay Villar magmumukha akong trapo! Kausapin mo si Noynoy!”

So Bayan made overtures to Noynoy’s camp.

Unfortunately, someone neglected to tell Carol Araullo of Business World that plans had changed. She wrote an article dissing Noynoy - “Tinimbang Ngunit Kulang - without clearing with the party.

Carol Araullo was castigated by the party. But she may as well have written the vilest black propaganda against Noynoy because Bayan was not going to get a place in the LP senatorial slate anyway. Sayang lang ang pinagdaanan niya sa party discipline session.

So back to Papa went the communists. But I don’t know why.

They don’t need Villar’s money because the revolutionary taxes from the Diwalwal gold fields alone is enough to buy half of Utrecht and still finance Villar’s candidacy.

“Boss consultant, kailangan pa ba natin bumalik kay Villar?”

“Eh sayang din yun tulong niya.”

“Boss, mukhang pera naman ang itsura mo pag ganyan.”

“Hindi mo ba naaalala ang turo ni Mao?”

“Naaalala ko poh. Power comes from the barrel of a gun.”

“Mali! Power comes from a barrel of yuan!”

Trapo na talaga ang CPP. That has been evident in local politics for a long time. But it’s only recently when they started playing trapolitics in the national arena, after they got burned for staying on the sidelines in 1986. They ran with Gloria in 2001 and supported her in 2004. They joined the opposition in 2005 but they supported Joker’s candidacy in 2007.

Those alliances were done for the revolution!

But the truth is they have lost their way.

Or, more likely, they never had one to begin with.

Unless they believe that The Way is the path laid out by a trapo disguised as Mao.

26 Responses to 'Ligaw na Bayan'

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to 'Ligaw na Bayan'.


  1. on October 17th, 2009 at 1:30 am

    What do you expect of old commies like Chairman Joma who stay in Utrecht for decades? OUT OF TOUCH with REALITY here.

  2. cvj said,

    on October 19th, 2009 at 1:40 am

    From early indications, Villar is going to play the class-conflict card (just like Erap before him) so in a way, the Reds are natural (if unlikely) allies.

  3. Phil Cruz said,

    on October 19th, 2009 at 1:45 pm

    Villar and his party are cut from exactly the same mold as Gloria and hers.

    And I don’t know what to make of the NPC of Danding. Half administration, half opposition, half of everything.

    And Legarde. What is she really? A political flirt, a political butterfly, or what?

    Monstrosities !

  4. Jajajamboy said,

    on October 20th, 2009 at 9:44 pm

    TRAPO : OPORTUNISTA! kung saan makikinabang. kung sino ang magpapagamit. dun sila. ganyan ang mga obsolete na komunistang yan!


  5. on October 24th, 2009 at 2:22 am

    “. They ran with Gloria in 2001 and supported her in 2004.”

    Same thing can be said Mar Roxas. As to supporting Gloria in 2001 and 2004, you can see the whole bunch around Noynoy now.

  6. Teo said,

    on October 24th, 2009 at 3:39 pm

    Hindi ko alam ang mga sinasabi mo rito. At kailangan kong sabihing hindi ko alam dahil pakiramdam ko, iisipin mong alam ko.

    Pero sino bang hindi trapo? Si Noynoy? Porke ba walang alam, hindi na trapo?

    Malinaw ang sabi ni Carol Araullo: Sana makipag-usap si Noynoy sa Kaliwa para magkatulungan. Ginawa ba niya iyun?

    Malamang hindi, nabakuran na siya ng mga soc-dem at Akbayan eh.

    Tapos, ang gusto mo, kusang sumuporta ang Kaliwa kay Noynoy? Ang swerte naman niya. Wala na nga siyang napatunayan, ni hindi malakas na lumaban kay Gloria, susuportahan pa ng Kaliwa?

  7. uniffors said,

    on October 27th, 2009 at 1:12 pm

    Teo,

    Eh nag sorry si Carol sa partido hindi ba? Dapat alam mo yan. Bakit kaya kinailangan niya mag sorry kung hindi siya nagkamali?

    Bakit masama na kusang sumoporta ang kaliwa kay Noynoy o kung sino man kandidato ang pinaniniwalaan nila?

    Ang suporta ba ng kaliwa binibigay lang sa mga nanliligaw?

    Nga pala, inurong na ba nila ang suporta nila kay Villar? Kay Chiz na sila ngayon? Niligawan ba sila ni Chiz? Baka naman si Danding, Lucio at Ricky Razon ang lumigaw sa kanila para lumipat kay Chiz..

  8. uniffors said,

    on October 27th, 2009 at 1:15 pm

    Ellen,

    Tama ka. Marami sa nakapaligid kay Noynoy ay mga dating ka alyado ni Gloria, tulad ng mga kaliwa.

    Parang tayong dalawa lang ang kumontra kay Gloria mula sa simula pa. Hehe.

  9. Teo said,

    on October 27th, 2009 at 1:46 pm

    Hindi ko nga alam iyan. Okey naman ang banat niya ah. Baka nasobrahan lang sa pagbanggit sa panot ni Noynoy. Hehe.

    Eh hindi nga naniniwala ang Kaliwa kay Noynoy, sa pagkakaalam ko. Maraming reserbasyon, lalo na’t kaugnay ng Hacienda Luisita.

    Bilang pampulitikang pwersa, ano namang masama na dapat manligaw muna ang susuportahan?

    Kapag si Noynoy ba ay sinuportahan ng malalaking negosyanteng binanggit mo — at nangyayari na iyan ngayon — tatanggalin mo ba ang suporta mo sa kanya?

  10. uniffors said,

    on October 27th, 2009 at 9:31 pm

    Teo,

    Eh kung hindi mo alam na napagalitan si Carol, alam mo na ngayon. Pero nakakapagtaka na hindi mo alam kasi naging usap-usapan yan sa mga circulong kaliwa.

    Eh kung hindi naniniwala ang kaliwa kay Noynoy bakit gusto nilang ligawan sila? Bakit ka magpapaligaw sa isang hindi mo pinapaniwalaan? At ang hindi ko talaga maintinfihan ay kung bakit mas may pagtingin sila kay Villar, isang batikang opportunista, tuso, at mandarambong.

    Walang masama sa manligaw sa isang pampulitikang pwersa. Ang pangit ay yun nagpapaligaw. Para bang nagpaparesyo sila.

    Tatanggalin ko ang suporta ko kay Noynoy kung ang suporta nung mga malalaking negosyanteng nabanggit ay dahil nakipagdeal si Noynoy sa kanila. Pero kung sumuporta sila ng kusa eh hindi na kasalanan ni Noynoy yun.

    Maliwanag sa iyong mga paliwanag na ang Bayan ay hindi sumusuporta ng kusa, Kailangan may ligawan, may paguusap at may exchange deal. Kinausap nila si Mar at humingi ng 3 senatorial slots at 3 cabinet seats. Walang nakuha. So lumipat sila kay Villar. Parehing deal ngunit isang senatorial lang ang nakuha nila. Sa madaling salita ang Bayan ay practitioner ng transactional politics.


  11. on October 29th, 2009 at 12:03 pm

    [...] Leave a Comment Nitong nakaraang mga araw, tinuligsa ng dalawang blogger na sina Schumey at Manuel Buencamino si Satur Ocampo ng Bayan Muna, ang Bayan Muna, at syempre ang buong Kaliwa. Nagsimula sila sa isang [...]

  12. bikolano said,

    on October 31st, 2009 at 3:36 am

    pero diba intensyon ang sukatan ng lahat ng ito? anu ba ang intensyon ng kaliwa sa pakikipag transaksyon? para s aaming mga maka-kaliwa paglilingkod sa bayan, at pag gumagawa ka ng para s apaglilingkod sa sambayanan you’ll never go wrong. sorry pero yun talaga yun. iharap mo sa akin ang isang political block na consistent sa prinsipyo at paninidiga katulad ng kaliwa. tsaka pwede ba wag mo nang intregahin si carol. wala kang patunay. nag mumukha kang cheap.

  13. Lordy said,

    on November 4th, 2009 at 4:18 pm

    uniffors:”Walang masama sa manligaw sa isang pampulitikang pwersa. Ang pangit ay yun nagpapaligaw. Para bang nagpaparesyo sila.”

    – Ibayong naguguluhan ako. Galit ka kay Satur dahil kinausap si Villar tapos sabi mo sa taas, ‘walang masama sa panliligaw’ sa pampulitikang pwersa. Pansinin mo…maaring di kinausap ng Kaliwa si Noynoy dahil consistent ito na di makikipagkasundo sa isang heredero ng Hacienda Luisita. Sa kabilang banda, di ba’t marapat lang na manggaling kay Noynoy ang inisyatiba kung seryoso siya at may tiwala siya sa agenda ng Kaliwa para sa Pilipinas.

    Dapat bago ka gumamit ng mga terminong,sabi nga ni bikolano ay cheap tulad ng ‘nagpapapresyo at nakikipagdeal’ dapat may pagsusuri muna sa agenda ng Kaliwa. Ang pinakamalinaw dito, may malinaw at matibay na agenda kasi ang Kaliwa kung kaya’t tama lang at may karapatan siyang isulong ito, at sinuman (kandidato man o simpleng tao man) ang susuporta at handa magtaguyod nito, marapat lang din na makakakuha ng suporta ng Kaliwa. Sang ayon sa mga sikumstansya at kalagayan, may nauna nang kontradiksyon sa pagitan ni Noynoy (at ng Hacienda Luisita) kaya maari ito ang dahilan ng kaliwa. Samantalang ang pakikipagusap kay Villar o Roxas ay upang hapagan sila ng agenda, eh sa kaso ni Mar, mas pinili niya ang mga Repormistang-Dilawang Akbayan at mga SocDem.tulad ni Risa Honteveros at kay Villar ay wala akong alam na detalye.

    Sa panghuli, nasisira ang diskarte mo sa paggamit mo o pagtag sa kung sino-sinung mga personalidad ng Kaliwa, ex. sina Carol Araullo at JOMA.para malaputin ang iyong mga retorikang lutang at malabnaw sa pagsusuri.

    PS: pagbati sa effort mo na alamin ang mga usapan ng mga leftist circles.

  14. uniffors said,

    on November 5th, 2009 at 12:00 am

    lordy,

    unang una, ang puna ko sa partidomg komunista ay yun pagligaw nila sa mga presidential candidate ay hindi batay sa prinsipyo kundi kung ano ang makukuha nilang kapalit para sa kanilang suporta. Papaano mo maipapaliwanag na kakauisapin nila si Mar at pagkatapos na mabigo sila e makikipagusap naman sila kay Villar? Bulag ba ang kaliwa na hindi nila nakikita na isang magnanakaw yan si Villar?

    Ikalawa,maling formulation na hindi kinausap ng Kaliwa si Noynoy. Si Noynoy ang hindi kumausap sa kanila! Gusto nilang kausapin si Noynoy, nagpadala sila ng feelers, nakipagusap sila sa mga go-between pero ayaw ni Noynoy kasi ayaw niya makipagdeal. Para kay Noynoy, kung gusto nila sumoporta sa kanya walang pumipigil sa kanila gawin yun. Noynoy will welcome their support. Bakit ba gusto nila na may kapalit ang suporta nila? Transactional politics yan! Parang ang pangit makita kung ang Kaliwa ay nanakiki horse trade para sa suporta nila. Talagang nagpapapresyo ang tawag diyan. Para silang si Loren mataas magsalita mataas din magpapresyo..

    At yun pagbangit mo tungkol sa hacienda luisita ay katunayan na walang prinsipyo ang Kaliwa pagdating sa pulitika. Bakit sila nagpipilit makipagusap kay noynoy kung may kontradiksyon pala?

    Bakit ko susuriin pa ang agenda ng Kaliwa eh kung sa gawa nila nakikita ko na na hindi mapagkatitiwalaan ang kanilang salita?

    Huwag mo nang ituwid yung baluktot.

  15. uniffors said,

    on November 5th, 2009 at 1:36 am

    bikolano

    Huwag mo ng sabihin na yung baluktot ay naitutuwid kung ang dahilan na gagamitin ay paglingkod sa bayan.

    Hindi ka ba pamilyar dun sa kasasabihan na “patriotism is the last refuge of scoundrels”?

    Pwede din naman natin i-paraphrase yun kasasabihan na yun -”Utrecht is the last refuge of scoundrels”

  16. Lordy said,

    on November 5th, 2009 at 12:03 pm

    uniffors,

    Malinaw na napangunahan ka na ng prejudice sa pagsasabing nakikita na sa salita at pagi-insist ng transactional politics. Alalahanin natin ang esensya ng cause oriented struggle. Sa obhetibong kalagayan at sa minimum ay kailangan ang pag-uusap kahit saang larangan man ng pulitika. Ngunit sa maksimum natin masusukat para san ba ang paguusap na ito.

    Siyempre sinasabi ng lohika na dapat may pamantayan ang pakikipagusap o negosasyon. Mali ang ikumpara ang Kaliwa kay Loren sapagkat sa simula’t simula pa trapo na itong huli at puro retorika ang bukambibig samantalang, sa sinabi ko na, matibay at malinaw ang inilalatag na agenda ng Kaliwa sa pulitika at ekonomiya. Sa pagtingin ko, ang ipinupunto mong pakikipagdeal– ang pag-adopt sa 3 senador at pwesto sa gabinete ay maaring token na lamang sa paguusap. Pero sa esensya, tiwala akong mas matingkad pa rin ang maipwesto at maisulong ang agenda ng Kaliwa sa plataporma nang kung sino mang presidentiable ang tatangan dito. Simple lang naman yun eh, kung hindi resolbado si Presidentiable sa agenda platorma ng Kaliwa halimbawa ang pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa (GARB vs CARP, nat’l industrialization, etc), eh di natural maghahanap sila iba.

    Maaring sa panulat mo ay naging literal ang pagtingin mo, di mo pa rin maikakailang alam mo naman talaga ang agenda ng Kaliwa. Hindi ba’t fan ka ng leftist circles. Ang pagstereotype sa Kaliwa bilang mapagkumpromiso pwersang pampulitka nang walang sapat na batayan at puro persepyon lang ay isang kabalintunaan. Lumalabas ikaw ito ngayon ang naglalaro ng devil’s advocate. Kunyari ay may lumang retorika pa ng pagsuporta sa Kaliwa o kay Satur, pero sa esensya ay anti-Kaliwa naman talaga.

  17. uniffors said,

    on November 5th, 2009 at 1:45 pm

    lordy,

    Si Satur at ang asawa niya ay parehong mabuting tao. Sila ay naninindigan at nanindigan sa kanilang prinsipyo mula pa sa simula. At wala silang kayabangan.

    Ganun pa man din, mula nung 1986, nung nagdesisyon ang kaliwa na sumali sa pulitika habang patuloy din ang kanilang NPA, medyo nagung magulo ang takbo nila. Yun mga pumasok sa pulitika ay kinain ng sistema. Natuto sila makipagcompromise at makipagalyado sa mga pulitikong kadiridiri. Alam mo naman siguro na yan ay issue sa partido ngayon. Problema kasi ay yun pinuno nila hindi nakatira dito. Hindi na niya alam ang pulso ng bayan kahit pa ba ipagpipilitan niya na up to date siya sa news at reports galing sa Pilipinas. Iba ang first-hand sa second-hand experience.

    Ngayon tungkol sa sinabi mo na “Pero sa esensya, tiwala akong mas matingkad pa rin ang maipwesto at maisulong ang agenda ng Kaliwa sa plataporma nang kung sino mang presidentiable ang tatangan dito.” Di ginagamit lang nila ang kandidato para maisulong ang kanilang agenda at hindi dahil sa naniniwala sila dun sa agenda nung ka-alyado nila. Sino ba sa mga presidential candidates ay tumatakbo sa platapormang itaguyod ang komunismo sa Pilipinas?

    Kung tapat ang kaliwaa dapat huwag ng silang magkunwari. Dapat magpatakbo sila ng kandidato sa pagkapresidente na ang maliwanag na agenda ay komunismo. Ganyan kasi ang demokrasya. Kumbinsihin mo ang botante na ikaw ang pinakamagaling, ilagay mo ang fate ng paniniwala mo sa kamay nila. Hindi maganda yun haharap ka sa tao na ang tunay na mukha mo ay nakatago.

    Ngayon kinukumpara ko sila kay Loren kasi tulad ng sabi ko ang kanilang retorika at ang pamumulitika nila ay salungat. Mahirap naman kung huhulaan ko pa kung ano ang intensyon nila at intensyon na sila lang ang nakakaalam ay gagamitin natin rationalisasyon na kanilang galaw. Eh kung kakausapin mo yun mga kasama ni Gloria nandaya nung 2004 ang sasabihin nila sa iyo ang intensyon nila ay maganda, gusto nila sagipin ang bayan kasi si FPJ ay hindi handang mamuno.

  18. bikolano said,

    on November 8th, 2009 at 4:38 pm

    hindi ko alam yang addage na sinasabi mo well buti may nahugot kang addage to back you up, sabagay subjective naman yan at dapat alam mo yan. baka ang point person ng qoute na yan ay si palparan

    hindi ka pa nag sosorry kay carol sa kanya manuel, walang hiya lang ang maglalako ng tsismis para paboran ang kinalilibugan nyong gawin= left bashing.

    naniningil ka ng katapatan mula sa kaliwa? bat di nyo tignan yang mga kasakay nyo sa noynoy bandwagon? sisnero ba kayo? kela lang ba kayo nanampalataya kay nonoy diba nung bumuhos yung tao sa libing ni cory? diba opurtunismo ang tawag dun?

    sinsabi mo ba manuel na para sa at alang alang sa kandidatura ng mesiyas na si noynoy kailangang hubarin at isuko ang pulitikal na paniniwala ng isang bloke? no wonder nasa panig ni noynoy ang akbayan hehehe mga pala suko. dyan iba ang nationa democratic block, no way na isusuko ang GPOA para s aeleksyon, GPOA pa din ang gasolina para sa elektoral na pakikibaka.

  19. uniffors said,

    on November 10th, 2009 at 1:56 am

    bicolano,

    sinasabi ko na mahiya naman kayo! Sisiping kahit kay Villar! Kung sabagay mayaman si Villar at alam naman natin ang paninindigan ng pinuno ninyo pagdating sa kwarta di ba?

  20. bikolano said,

    on November 10th, 2009 at 6:34 pm

    ang problema sayo di pa nagaganap sayo naganap na. masyado kang nag iimpose sa kaliwa sa inyo hindi-o baka yun naman talaga ang adyenda mo, masama makipagsiping kay villar, kay noynoy okey lang, kadiri si escudero si noynoy santo. ganun ang argumrnto mo diba.

    di ko sasakyang ang mga pasaring mo kay joema, di ko sya lider pero oo nirerespeto ko sya ng napakataas, kabaliktaran sa mga sugapa sa perang kasakay nyo sa noynoy bandwagon. mag bigay ka ng isang ehemplo ng pasaring mong kumurakot ng pera si joema. or else chismoso ka pa kay alfie lorenzo

    di mo pa sinasagot tanong ko.. sainyo ba handa kayong hubarin mga paniniwala nyo at prinsipyo para sa paniniwala at prinsipyo ng liberal party at paniniwala ni noynoy? hekhek mag tanong ka kay joel rocamora at chito gascon baka maubusan ka ng argumento… patulong ka na din kay de quiros ,esposo at kay bello.. oi anu reaksyon mo kay pat evangelista? wala lang galing nya dun eh

  21. uniffors said,

    on November 11th, 2009 at 12:10 am

    Bikolano,

    Anong di pa nagaganap? Nakipagusap na nga kay Villar!

    Eh hindi okay sumiping kay Villar. Okay lang ba yun sa iyo?

    Si Chiz naman ay okay. Kaya ginagamit ninyo siyang vehikulo na inyong mabahong agenda. Si Chiz ba ay magiging komunista? Kung hindi eh di ginagamit lang ninyo siya.

    Mahiya naman kayo. Lalapit na kayo kay Chiz eh nangangamoy C5 at Taga pa kayo. Maligo muna naman sana kayo bago niyo lapitan si Chiz.

    Kung ayaw mo sumakay sa pasaring ko kay Joma di wag. Hindi ko naman ikaw pinipilit na maniwala. Kung para sa iyo yun image niya ay ang tunay na personalidad niya eh problema mo yun.

    Sa tanong mong hubaran, Hindi ko kailangan hubarin ang prinsipyo ko kasi prinsipyo ko nga na sumoporta sa isang kandidatong matino at honest.

    Ano ang prinsipyo mo para sumoposrta sa messiah from utrecht? Alam mo ba na ang prinsipyo ay iba sa ideology? Hekhek

  22. bikolano said,

    on November 12th, 2009 at 1:53 am

    malinaw na galit ka lang kay villar kasi sya ang malakas na kalaban ni noynoy na dinodyos mo, yun lang yun. sa akin walang masama kung sina ka satur at ka lisa ay tumakbo nga sa ilalim ng nacionalista as guest candidates.

    si chiz ay di sinto sinto para utuin at pasunurin ng kaliwa, baka dahil tumpak naman talaga ang mga analisis ng kaliwa sa mga bagay bagay kaya yun din ang binoboses ni chiz, malay mo na emklrp na si chiz di mo ba nasagap sa mga sources mo? diba lahat ng nangyayari sa kaliwa pati pag tae ni joma alam mo? bat mo sa akin pinapasa ang tanong kung magiging komunista si chiz? si noynoy ba dahil dikit nya ang ga soc dem magiging soc dem na din?

    sa debate kung sino yung nag aakusa eh yung ang may burden of proof, bankarote ka sa mga pasaring mo kay joma kasi wala kang ebidensya hekhek, di mo nga masagot yung dare ko na KAHIT isang ehemplo eh. ikaw ang may malaking problema manuel sa kredibilidad at integridad. wag ka munang mag hanap ng kandidatong matino at honest.. hanapin mo muna ang sarili mo.. (nag aakusa ng walang ebidesya, nagkakalat ng chismis, gumagawa ng mga kwento)

    walang akong pakialam s akaibahan ng prinsipyo at ideolohiya its not the point, bukas ka ng bukas ng mga topic, wala ka pang nasasagot.

  23. uniffors said,

    on November 12th, 2009 at 3:29 am

    bicolano,

    swapang sa pera ang messiah from utrecht

    Eto ang ehemplo ng kaswapangan niya.

    Bakit patuloy ang extortion? Bumabakal sa illegal loggers, bakit hindi tigilin ang illegal logging? eh hindi ba ang kawawa sa illegal logging ay yun mga maralita na nagiging biktima ng mga landslide at baha? Yan ba pro-poor o pro-money?

    Bakit ang daming NPA sa Mt Diwalwal at kumokolekta sa mga minero? Yan ba makabayan o makapera?

    Bakit kumokolekta sa mga trapo bago sila payagan mangampanya? Hindi ba pagbebenta ito ng karapatang free speech? At yun mga botante nawawalan ng pagkakataon na madinig kung ano ang sasabihin ng mga kandidato na hindi pinapayagan magkampanya kasi di nagbayad, So niyari ang right to know at ang free election. Pro democracy o pro money?

    Lahat niyang pambababoy sa karapatan at well-being ng mamamayan ay dahil lang sa extortion activities ni Joma. Anong hindi siya swapang sa pera?

    Ay oo nga pala pag ang messiah from utrecht ang gumagawa hindi extortion ang tawag doon, revolutionary taxes nga pala yun. At ang mafia naman ang tawag dun ay insurance.

    “walang masama kung sina ka satur at ka lisa ay tumakbo nga sa ilalim ng nacionalista as guest candidates”

    naknampucha mukhang tinanggal mo na ang pangalan ni Villar. Naging nacionalista bigla ang pangalan niya! Hekhekhek, marunong ka din palang mahiya.

    Tungkol kay Chiz. Eh di naggagamitan lang pala kayo. Para din yan ng pagsanib ninyo kay Villar. Ngek ngek. Ganyan din si Loren. Ang dami na ninyo naghahanap buhay sa bangketa! Mga pokpok!

    Ang dami ko ng sinagot pero ganyan talaga pag ang kausap ay ideologue. Mas masahol pa kaysa sa pare na lumalaban sa birth control. Maski anong sabihin ng iba hindi ka pakikinggan kasi siya lang ang may alam, siya lang ang tama, siya lang ang nakakaalam ng katotohanan. Ang bentahe lang sa pare ay nahihingian ng stampita at holy water eh kayong mga apostol ng messiah from utrecht walang maibigay kung hindi sermon, dada ng dada, recite ng recite ng party line, defend ng defend sa imahen ng messiah.

    Sige magrecite ka ng partyline kung bakit ang extortion ay para sa kapakanan ng taong bayan

  24. bikolano said,

    on November 13th, 2009 at 10:59 am

    may nag erase ata ng message ko, anyway uulitin ko na lang.

    manuel ang ugat at puno ng lahat ng ito ay ang labis labis ninyong pangangatog sa mga kalaban ni noynoy, baka nga naman matalo ang dilaw na rebolusyon the re-run, sayang naman.

    wala kaming ka proble problema kung makikipag koalisyon ang kaliwa kay villa man o kung sino, may giuiding principles kasi ang kaliwa sa usaping koalisyon, di tulad ninyo.

    kay chiz naman, di namin sya tinitignan na uto uto o sinto sinto na nasususian at nagagatungan(baka yung kadidato nyo pa). matalino si escudero. malamng kaysa hindi alam nya kasing tumpak at tama ang mga analisis ng kaliwa sa mga bagay bagay kaya nga ibinoboses.

    ikaw manuel ang may malaking problema, nangangamoy sinungaling ka at walang kredibilidad, nag hahabi ng mga gawa gawang istorya na di nakatuntung sa katotohanan. at wag ka nang maghanap ng kandidatong may prinsipyo at honest…hanapin mo muna ang sarili mo…may prinsipyo at honest…nawawala kasi.

    gaya gaya pa sa mga terms ko.. ewan manuel….

  25. uniffors said,

    on November 16th, 2009 at 6:04 pm

    bikolano,

    Sabi mo patunayan ko na si messiah swapang sa pera. Pinatunayan ko nakit di ka makasagot?

    Kami mangangatog? Nakita mo ba ang pulse asia survey?

    anong guiding principles kay villar nasisiraan ka na ba? Di mo ba kilala ang kausap ninyo? Wala lang nunal sa mukha akala mo na di kamukha ni Gloria.

    At si Chiz di nga ba sinabi ko na mas okay pa siya kaysa kay villar?

    Bago mo tawagin ako na sinungaling patunayan mo muna.

    Ikaw pwede kong tawagin na bobo at hindi ko kailangan patunayan kasi pinatunayan mo na. hekhek

  26. Tony said,

    on April 19th, 2010 at 7:33 am

    I used to be a Bayan Muna supporter as I wanted to give the Left a voice in this country after their boo-boo in 1986. Pero ikalawa na ito at ang endorsement ni Joema kay Villar at ang pagkunsinti ni Satur at Liza na makiisa sa isang Marcos na ni hindi umamin ng kanilang kasalanan ay nakakumbinsi sa aking huwag bumoto sa kanila. In the back of my mind also is the bloody purge a few years ago of some of it’s members. I am now convinced the moderate approach of Akbayan is the way instead of the mostly rhetoric of the Reds who can’t accept that they are wrong.

Leave a Reply