Uniffors


The best speech: Lito Lapid’s

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the May 29th, 2012

It was the high school graduate, Sen. Lito Lapid, who delivered the best speech at the handing down of the verdict on Chief Justice Renato C. Corona. Extemporaneous, straight from the heart, sympathetic and at the same time stinging, Lito Lapid proved that you don’t need a college education or a law degree to tell right from wrong. Best of all, in four short sentences highlighted below, Lapid put crazy ranting Sen. Miriam Santiago, Corona’s pro bono crew, and all those know it all commentators like Fr. Bernas in their place.


    Kasamahan kong senador-judge, prosecution, at depensa, sa ating mga kababayang nanunuod at nakikinig sa TV at radio. Inuulit ko magandang hapon po sa inyong lahat.

    Alam niyo po, wala naman akong speech dito, wala po akong dala. Ang mga kasamahan ko dito, pag pinasok sa isip nila, dadalhin sa bibig at maganda na ang sasabihin.

    Bilang high school graduate po, marahil iniisip ng ating mga kababayan: “Anong sasabihin ni Lito Lapid na hindi marunong mag-inggles, na hindi maalam sa batas? Ano kaya ang magiging desisyon?”

    Didisisyunan po ang katas-taasang hukom na isang high school graduate lang at taga-probinsya ng Pampanga.

    Napakinggan ko po ang depensa. Siguro purihin po natin ang depensa. Napakagaling nila sa mga nakakaintindi ng abugasya. Purihin rin po natin ang prosecuton, sa paghanap ng ebidensiya. Nakinig po ako sa bawat ebisensiyang inihain nila dito. Lalung lalo na kay Cong. Farinas. Ang prinisenta niya kahapon ditto, para sakin po, malinaw na malinaw na na si CJ Corona ay lumabag sa batas.

    Siya mismo inamin niya na may $2.4 million at P80 million na bank account. Yun po siguro hindi na kasinungalin yun, yun po ay totoo na.

    Nagpiprisinta po ako dito hindi bilang abugasya. Hindi po ako pwedeng magsalita ng Republic Act dahil hindi maniniwala ang tao sakin. Hindi po ako nagmamarunong dito. Ang ginagamit ko lang po ay konsensya. Representate ako ng masa na hindi nakapag-aral, hindi marunong mag-inggles, walang alam sa batas.

    Kaya noon pong nagsasalita si Chief Justice Corona, nagsusumbong sa taumbayan, awang-awa po ako sa kanya.

    Akala ko totoo ang sinasabi niya. Hindi pala.

    Mas pinaniwalaan ko pa si Cong. Farinas noong nag Powerpoint dito.

    Ngayon ang sinasabi niya, dyan sa isang pizza pie – hindi totoo yan na may 82 akong account. Siguro kung ako ho, ang pagbabasehan ko: Kung isandaang basong tubig nialagay sa apat na drum lang ang kanyang account…

    Naawa po ako sa kanya dahil naiintindihan ko po kung anong damdamin niya at ng kanyang pamilya. Naranasan ko rin po yan.

    At sana sa pagkakataong ito, pasasalamatan ko siya dahil noong pangalawa kong panalo bilang senador, sa kanya ako nanumpa bilang senador.

    Pasensya na po. Pasensya na po. Ang hatol ko sa inyo, guilty.

UPDATE: In Interaksyon.com “Lito Lapid summed it up best.”

Guilty pala

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the May 29th, 2012

YEYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!

Guilty or not guilty?

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the May 28th, 2012

Not guilty kasi who will protect me kung matanggal siya?

Not guilty kasi tinulungan niya kami sa kaso.

Not guilty kasi wala naman nagbigay sa amin ng bagong SUV para sumoporta sa guilty.

Not guilty kasi papaano naman ang ambisyon ko maging presidente kung mag succeed ang Daan Matuwid?

Not guilty kasi papaano naman ang ambisyon ko maging bise-presidente kung mag succeed ang Daan Matuwid?

Not guilty kasi si Miriam ako.

Not guilty kasi si Joker ako.

Not guilty kasi si Villarroyo ako.

Not guilty kasi ang sinuman kalaban ni PNoy ay kaibigan ko.

Not guilty kasi mas marami kaming mga walang-hiya kesa sa inyo.

Tamad o tanga?

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the May 28th, 2012

Corona’s lead defense counsel Serafin Cuevas said that if Corona is convicted it’s possible they will ask the Supreme Court to nullify the impeachment proceedings. Certoriari.

In an interview with dzBB radio he said:

    “Yun pong walang appeal, hindi po kami totohanang sumasakay doon, sapagkat hindi po naman nakalagay sa Konstitusyon iyon. Ang nakalagay lang, the moment the Senate convenes as the impeachment court, they shall continue the trial. Wala naman pong sinasabing their decision shall be final and non-appealable. Wala pong ganoong nakalagay sa Constitution.

Ganun?

Cuevas bases his argument on Art. XI sec. 3 (4) of the Constitution, “Accountability of Public Officers” :

    In case the verified complaint or resolution if impeachment is filed by at least one-third of all the Members of the House, the same shall constitute the Articles of Impeachment, and trial by the Senate shall forthwith proceed.

Aba eh Cuevas is right! Wala ngang ganun sa sec. 3 (4)….

Kaya lang Art. XI does not end in sec. 3 (4). Art. XI sec. 3 goes all the way in sec. 3 (8). Cuevas should have read up to sec. 3 (6):

    (6) The Senate shall have the sole power to try and decide all cases of impeachment.

Kung binasa niya ito hindi na siya sana magdadakdak tungkol sa certoriari.

What does he not understand in the phrase SOLE POWER TO TRY AND DECIDE ALL CASES OF IMPEACHMENT?

Baka naman tinamad na lang magbasa si Tatang hanggang sa sec. 3(6). Baka nakatulog bago umabot dun sa provision na yun.

Tamad o tanga?

I don’t understand asset and liability?

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the May 27th, 2012

This exchange between Sen. Frank Drilon and SC chief Renato Corona raises more questions about Corona’s credibility:

    THE CHIEF JUSTICE.  Iyong pesos naman po, gaya po nung ipinaliwanag ko, hindi ko pa rin nireport ‘yun kasi co-mingled funds ‘yon ng hindi—sa pangangasiwa ko lang po iyon hindi naman po sa amin ‘yon.

    SEN. DRILON.  Okay.  Iyon po ay sa pangangasiwa mo.  Ngunit hindi ba dapat iyong pera na nasa pangangasiwa mo ay dapat ireport mo rin at iyong corresponding liability ay ireport mo.  Halimbawa, 34.7 million ang inyong hawak for BGEI,  iyan po ay liability, ngunit iyan din po ay assets, hindi po ba ‘yun?

    THE CHIEF JUSTICE.  Pardon me, Senator, pero hindi po ako accountant.

    SEN. DRILON.  Okay, sige.

    THE CHIEF JUSTICE.  Hindi po ako nakakaintindi nung mga asset-liability debit-credit na ‘yan.  Ang naintindihan ko lang po, iyong ordinaryong pagkakaintindi ng abogado diyan, na hindi naman akin, hindi ko naman inutang, kaya hindi ko naman po kelangang ireport.

Okay sige.

Kaya lang…

Eto yun bio ni Corona na nakasulat sa Supreme Court website

    After law school, he pursued the Master of Business Administration course (without thesis) at the Ateneo Professional Schools.  In 1981, he was accepted to the Master of Laws program in Harvard Law School where he focused on foreign investment policies and the regulation of corporate and financial institutions. 

    As a young lawyer, Chief Justice Corona served as special counsel at the Development Bank  of  the  Philippines.  He later became senior vice-president and general counsel of the Commercial Bank of Manila and later, a senior officer of the Tax and Corporate Counseling Group of the Tax Division of Sycip Gorres and Velayo (SGV & Co.).

How did the man who earned an MBA from Ateneo, a masters of law from Harvard where he specialized on “foreign investment policies and the regulation of corporate and financial institutions” and then worked as a special counsel for DBP, a senior vice-president and general counsel of the Commercial Bank of Manila, and a senior officer of the Tax and Corporate Counseling Group of the Tax Division of SGV, the top auditing and tax consultant firm in the Philippines, not know about such a basic accounting concept like assets and liabilities?

Naknampucha naman…

Infinite idiocy

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the May 27th, 2012

Some idiots continue to insist on the fruit of the poisonous tree argument. Why are they idiots? Because the so-called illegally obtained documents, the AMLA report, came from a witness called by Corona.

The prosecution did not call the Ombudsman to testify, Corona did.

The prosecution never presented bank dollar transaction documents, Corona did. And through his own witness!

And now the defense and their idiot rah-rah boys call the evidence they themselves presented as fruits from a poisonous tree and they want the fruits they brought to the table thrown out….

page_18

Bweahahaha…

But wait, there’s more…

Corona took the stand to debunk his own witness, the Ombudsman, but in order to do that he had to admit under oath that he had four undeclared dollar accounts worth a little over $2M and several peso accounts worth around P80M.

The prosecution was floored! They said, “What? We didn’t know he had that much until he brought it up in open court!”

They added, “Thank you, Chief, if not for your witness and your own testimony those undeclared dollar accounts would never have made it to the court because we were TRO’d by the Supreme Court from presenting any evidence related to dollar accounts!”

So here we are, Corona brings poisonous fruits to the party and then says, “Throw out those fruits, they are poisoned!”

And Corona’s idiot rah-rah boys say, “Oo nga naman, in a western court of law illegally obtained evidence gets thrown out…

I agree with Corona’s rah-rah boys. Justice and fair play demands that illegally obtained evidence must be thrown out. It cannot be used against a defendant…

unless….

unless…

it’s the defendant himself who gives the evidence to the court. Voluntarily!

Bweahhahahahaha!

Jessica Sanchez to Arnold Clavio

Posted in Philip Gilmore Cartoons by uniffors on the May 24th, 2012

page_16

Comments Off

Ang paglilitis ni Mang Renato

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the May 24th, 2012

THE CHIEF JUSTICE (TCJ) : Bakit ako nandito? Bakit ako pinagiinitan ng presidente? Ano ba ang kasalanan ko sa kanya? Hindi ko idadamay ang pamilya ko kung meron akong kasalanan. Blah blah blah…

THE PRESIDING OFFICER (TPO):  Mawalang galang, Mr. Chief Justice.  Kami po ay nag-aantay na sabihin ninyo sa amin ang inyong pakay at sana kung maaari ay i-address na lang ninyo iyong issues dito para sa ganoon ay tapusin na natin itong kasong ito.  Pero, you can proceed, Mr. Chief Justice.

TCJ: Hindi madali ang Kalbaryong pinagdadaanan ko. (Reprises why he continues to fight.)

TPO:  Mawalang galang na Mr. Chief Justice, how much more time do you need?

TCJ:  Sandali na lang po kasi po kung mamarapatin po nyo, mawalang-galang na po sa inyo.

TPO:  Proceed, proceed.

TCJ: Sino po ba si Renato Corona? Ako ay nanggaling sa mahusay ng pamilya tinuruan ng family values, maging madasalin, tahimik na pamumuhay, pagmamahal sa bayan, mahusay na paglatao…

TPO:  Mr. Chief Justice.  Under the rules of evidence, good characters that are visible…

TCJ:  Preliminary lang po.

TPO:  In the interest of liberality, we will allow it to finish your speech.

TCJ: Nag aral ako sa Ateneo, Harvard at UST. Hindi kami galing sa maralitang pamilya. Ang asawa ko ay apo ni Jose Basa Sr….

TPO:  Mr. Chief Justice, may I plead with you to wind up so that we can proceed with the trial.  I will give you the—how many minutes more do you need?

TGJ:  Sandali na lang po.  Ang importante po kasing makita ito ng sambayanan natin sapagkat limang buwan na po akong araw-araw 24/7 na siniraan ng siniraan doon sa medya sa labas.

TPO:  Mr. Chief Justice, you have the floor unless authorize by this court, you may proceed to finish.

TCJ: Kailangan pong malaman ng sambayanan natin kung sino ako… Simpleng buhay at tahanan lamang.

Hindi man kami gumagamit ng aircon sapagka’t napakadali po namin magkasakit sa lamig.  Simpleng pagkain lamang ang kinakain naming sa bahay at sa maniwala po kayo at sa hindi, kami po ay walang katulong sa bahay….

Sa aking tanda po, the past 45 years since I started working, walang pong lumipas na kahit na isang buwan na hindi po ako nakapag-save ng bahagi ng aking kinita noong buwan na iyon.

Kaya hindi naman po nakapagtataka na marami po kaming naipon. Tapos tatanungin kami tatanungin ngayon at sasabihin sa amin, “Bakit ka maraming cash, siguro magnanakaw ka?”

HUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHU…

DEFENSE COUNSEL CUEVAS:  The witness, Your Honor, is appearing to be very emotional.  He is on the verge of tears. 

HEARING SUSPENDED.

HEARING RESUMED.

TPO:  Yes. The Chief Justice may proceed and may we respectfully request the Chief Justice to wind up so that we can proceed with the direct examination. We will allow you, Mr. Chief Justice, to finish your statement.

TCJ: Bago ko ipaliwanag kung bakit ang pera namin ay halos puro cash at hindi properties hayaan mo ninyong siraan ko ang tiyohin ng aking asawa…(Mahabang salaysay)

TPO:  Mr. Chief Justice, we would like to caution you. At the behest and motion of your lawyers, when we were considering the evidence being presented by the prosecution, we did not authorize the introduction of evidence to establish ill-gotten wealth and there is no allegation as of today that will support the presentation of evidence regarding ill-gotten wealth….And so, I am saying this, there is no issue of ill-gotten wealth here.

TCJ:   Opo.  Ngayon, ako po ay magpapatuloy na doon sa ating properties…at sisiraan ko na rin ang iba pang tao.

Alam po ni Eulalio Diaz III, Administrador ng LRA, at pamangking ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales at ni Justice Antonio Carpio, at matalik na kaibigan ni Pangulong Aquino, na wala naman akong 45 properties e. …

May inilabas din po sa medya na marami raw kaming ari-arian sa Amerika. Nanggaling po sa isang pekeng manunulat, isang nagpapanggap  journalist daw  sya. ..

Sabi ni Ombudsman Carpio-Morales, ako raw po ay may 10 million hanggang 12 million US dollars po sa 82 bank accounts.  Wala po akong kilalang taong may 82 bank accounts.  Ewan ko lang po kay Ombudsman Morales, baka siya meron kaya nakatanim sa isip niya yung 82 bank accounts.

ATTY. BAUTISTA. OF THE PROSECUTION:  Continuing objection to the testimony of the Chief Justice and if I may discuss…

TPO:  Go ahead.

ATTY. BAUTISTA:  Yes.  First of all, as the Chair has noted, the testimony of the Chief Justice constitutes hearsay and likewise constitutes irrelevant testimony and he is incompetent to testify on some of the subject matter.  What I would like to stress here, Your Honor please, is that the Chief Justice has been hurling accusations, charges against individuals who are not even parties to this complaint and who are not here to defend themselves.  And I think that’s a gross violation of their rights.

(TCJ CONTINUES WITH EXPLANATION OF HOW 82 DOLLAR ACCOUNTS CAN BE CONSOLIDATED INTO FOUR.)

TPO:   Are you through, Mr. Chief Justice?

TCJ:  Malapit na po.

Kinita po ng malinis ang lahat ng aming pinag-ipunan noong ako ay nasa pribadong sector pa.

At bakit naman wala sa SALN ko? Sapagkat may batas po Republic Act 6426 na naggagarantiya ng confidentialitiy ng dollar deposits. Agree sa akin si Dir. Estrella Martinez na nagsilbi sa BIR na 32 years.

TPO:   Mr. Chief Justice, with your—I just want to clarify,  I hope you don’t mind.

TCJ:  Opo.

TPO:  Iyong dollar deposits were only earning interests or are you engaged in buying and selling foreign currencies?

TCJ:  Compounded po, compounded annually, interest po.

TPO:  Interest lang?

TCJ:  Opo.

At bakit ko naman hindi idineklara ang pesos ko na ito sa SALN ko? 

Sapagkat ito ay co-mingle funds na hindi naman namin pag-aari.  Sino po ang nagmamay-ari ng mga pondong ito?  Ito po ay binubuo ng expropriation proceeds, ng pagbenta ng Basa-Guidote property sa City of Manila noong 2001, at sa nakaraang 11 years po, ito naman ay kumita ng interest, nandiyan din po ‘yan. 

The inaccuracies in my SALN do not constitute an impeachable offense.  Not every omission, not in every inaccuracy is an impeachable offense. 

Be that as it may, I have here with me a waiver which I will sign right now.

(CHIEF JUSTICE SIGNING WAIVER)

Ito po, pirmado ko na po.

TPO:  Mr. Chief Justice, that is limited to Republic Act No. 1405?

TCJ:  Nakalagay po, foreign currency deposits.

TPO:  The foreign currency deposit refers to Republic Act No. 6426.  So, you are also waiving that?

TCJ:  I will write it here in my handwriting.  It is just a typographical error, because the original draft had it.  Ah, nakalagay naman po dito, under Republic Act No. 6426 and Republic Act No. 1405 as amended.

TPO:  That is why I wanted to clarify.

TCJ:  Nakalagay po.  Nakalagay po.

TPO:  Are you through, Mr. Chief Justice.

TCJ:  Sandali na lang po.  Sandali na lang po.

As I speak, my counsels are distributing blank copies of the waiver that I have signed.  I am humbly asking all 188 complainants from the House of Representatives, led by the Congressmen in the prosecution panel and Senator Franklyn Drilon, to join me in a moment of truth as a gesture of transparency and reconciliation with the Filipino people and to one another.  I am asking them to sign these blank forms and to join me, sapagkat hiling po ito ng bayan. 

Isusumite ko po ang aking waiver sa kinauukulan kapag kompleto na ang pirmadong 189 waivers.  Kung hindi sila papayag sa hamong ito, bibigyan ko po ng direktiba ang aking defense panel na i-rest na po ang aking depensa.  Tutal, wala naman silang napatunayang paratang laban sa akin. 

Maraming salamat po.  Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal.  And now, the Chief Justice of the Republic of the Philippines, wishes to be excused.

SENADO AT SAMBAYANANG PILIPINO: WHAAAA?

Must be the blood

Posted in Philip Gilmore Cartoons by uniffors on the May 23rd, 2012

page_15

Corona’s conditional dollar accounts waiver

Posted in Manuel Buencamino by uniffors on the May 22nd, 2012

I’ll show you mine IF you’ll show me yours.

Next Page »